Posts

Arci Munoz binigyan ng title ni Direk Njel de Mesa bilang Muse of Philippine Cinema.

Image
May titulo na si Arci Munoz.Ito ay ang 'Muse of Philippine Cinema' Ang nagbigay sa kanya ng titulo ay ang mahusay na direktor, at magaling na singer na si Direk Njel de Mesa  Tinanong namin si Direk Njel kung bakit nga ba ito ang bansag niya sa aktres.  Sagot niya,"Kadalasan kasi, si Arci ang nagiging peg naming mga direktor sa aming mga proyekto. Lalo na kapag kailangan ng isang romantic lead na mayroong comedic timing," Patuloy niya,"Madalas din, nagsusulat din ang mga manunulat ng piyesa na siya ang nasasa-isip,”  Ang mga pinagbidahang pelikula raw kasi ni Arci ay laging pumapatok sa takilya o di kaya'y nagkakaroon ng positive reviews, na isa rin ito sa dahilan kaya binansagan nila itong Muse of Philippine Cinema. May natapos gawing pelikula si Arci sa NDM Studios. Ito ay ang Kabit Killer, na isang dark comedy film. Ito ay tungkol sa isang hired woman assassin na binabayaran ng mga legal wives para patumbahin ang mga kabit ng kanilang mister. 

Mapapanood na mamayang gabi ang Hearts On Ice,ang ikalawang serye ni Xian Lim sa GMA 7

Image
Mapapanood na mamayang gabi sa GMA Telebabad at 8:50, ang figure skating drama series na pinagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega,na Hearts On Ice.  Ito ang ikalawang serye ni Xian sa Kapuso network. Sa Hearts On Ice, gaganap si Xian bilang si Enzo, na isang cold-hearted at may pagka-arogante. Bago sumalang sa nasabing serye ay nag-training muna ng figure skating ang gwapong aktor at may coach pa nga siya sa Hearts On Ice. “Kaya sabi ko, ‘Sige, mag-training tayo.’ So, we’re really preparing for the time that I get to a certain level na. I did post in Instagram our journey in ice skating. May mga levels po kasi ‘yan. There’s five basic levels,"sabi ni Xian Patuloy niya,"So finally, noong nakuha ko na ang certificate, puwede na kaming magsama ni Ashley sa ice. “Because mahirap naman po na isasabak na kami agad at masagasaan namin ang isa’t-isa,” katuwiran pa ni Xian. Hindi lang ang paggawa ng serye ang gustong gawin ni Xian sa GMA 7. Gusto niya ring

92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Image
Mapapakinggan na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5. Ginanap sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng kanilang mga news, information, at entertainment programs. May bagong logo na, may bagong tagline pa na “Dito tayo sa totoo!,” talagang handa nang maghatid ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ng fresh at dynamic na pakikinig para sa lahat ng kanilang listeners. Nakalagay sa kanilang logo ang salitang TRUE, kung saan ang bawat letra nito ay sumisimbolo sa kanilang mga prinsipyo sa pagbabalita at paglilingkod sa publiko.  Ang T ay para sa Truth in journalism na hatid ng kanilang radio programs na "Bangon Bayan with Mon" ni Mon Gualvez, "Ted Failon & DJ Chacha," "Frontline Pilipinas," at ang flagship news program para sa local at provincial news

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

Image
Pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist sa katatapos lang na 2023 Peoples Choice Awardee,na ginanap sa Sofitel Hotel,Pasay City, ang maganda at talented young actress na si Athalia Badere.  Happy at thankful si Athalia sa lahat ng bumubuo ng nasabing award-giving body sa karangalang ipinagkaloob sa kanya. Siyempre pa, proud na proud kay Athalia ang kanyang mommy Marj. Post nga nito sa kanyang Facebook account: Congrats Taling Athalia Badere!!! We love you and we are proud of you baby❤ Samanta,showing na sa March 22 ang horror-comedy film na D' Aswang Slayerz, na isa sa mga bida si Athalia sa papel na Eve Malabanan. Mula ito sa Amartha Entertainment Productions, at sa direksyon ni Ricky Rivero.  Napanood na namin ang D' Aswang Slayerz. In fairness, nag-enjoy kami rito Laughing trip lang ang pelikula. Watch ninyo, siguradong magugustuhan ninyo rin ito.  Ang ilan pa sa mga bida sa pelikula ay sina Mell Martinez, Magdalena Fox at Sharmaine Arnaiz. 

Cesar nag-iba ang pananaw sa history nang gumanap na Ferdinand Marcos Sr.sa Martyr or Murderer

Image
Sa media conference ng pelikulang Martyr or Murderer mula sa Viva Films at sa direksyon ni Darryl Yap, ikinwento ni Cesar Montano ang preparasyon niya sa role niya bilang si former president Ferdinand E. Marcos  Sr. sa nasabing pelikula. Sabi niya, “Pareho pa rin (sa Maid In Malacanang), aside from 'yung preparation no. And, itong script ni Direk Darryl eh patindi ng patindi, so tinitignan ko lang binabasa ko lang ng maigi kung saan ako hindi madadawit at baka makulong ako dito. "Kasi ako dapat ang dadalaw eh. Pero ako, I enjoyed the script. I enjoyed the story. Kasi ang dami kong natitisod na bagong mga...nadi-disclose na mga nangyari noon. Ito pala.” Ikinwento rin ni Cesar ang personal experience niya during Marcos presidency. “Kasi, I was there. In 1986 I was in college. So hindi ko alam na ganon pala ‘yung mga nangyayari. So ako personally, as an actor, nag-enjoy ako, but the challenge sa akin is, ‘Ah sandali, Marcos– isipin mo Marcos, during that time, lahat n

Concert ni Laverne sa February 25 na! Siguradong mag-i-enjoy ang mga manonood

Image
Balik music scene ang mahusay na singer na si Laverne. Handa na siyang balikan ang first love niyang gawin,ang singing. Ang kanyang manager na si Elizabeth Carrasco Fabillaran at mga kaibigang sina Fernand de Guzman, Jonas Virtudazo, Suzette Recto at Joey Austria ang nagkumbinsi sa kanya na balikan ang kanyang singing career. Sa February 25 ay magkakaroon siya ng concert sa Teatrino Greenhills at 8pm simply titled Laverne. Special guests niya sa kanyang concert ang dalawang magagaling na singer na sina Marissa Sanchez at Dingdong Avanzado. Si Marissa ay kilala ring komedyana kaya siguradong hahaluan niya ng komedya ang performance niya na siguradong ikai-enjoy ng audience. Ipinaliwanag ni Laverne kung bakit sina Marissa at Dingdong ang napili niyang guest. "Si Marissa kasi nagkasama na kami sa Sulu hotel wayback 90s.Magaling talaga siyang kumanta bukod pa sa pagpapatawa. "Si Dingdong naman bukod sa family friend, ay client siya ng kapatid ko na fashion

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.

Image
Isa ang talented young actress na si Athalia Badere sa mga bida sa pelikulang D' Aswang Slayerz mula sa Amartha Entertainment at sa direksyon ni Ricky Rivero.  Gumaganap siya sa nasabing pelikula bilang si Eve Malabanan.  "Si Eve po ay isang mabait at matapang na bata.Gagawin nya ang lahat para mapasaya ang kanyang tito na si Paps Miro (Mel Martinez)"kwento ni Athalia sa kanyang role sa D' Aswang Slayerz "Ito pong movie ay isang horror-comedy, " Anong natutunan niya sa kanyang karakter at sa pelikula?  Sagot niya,"I learned from my character that never trust anyone kahit mabait pa sila sayo because we never knew them in the first place.  "And what I’ve learned from the movie is to accept reality even tho it’s hard to accept, " "Kung  mabibigyan ng chance, sino ang gusto niyang makatrabaho?  "Given a chance po kung sino po gusto ko maka-work na favorite ko pong artista ay ang kathNiel (Katryn Bernardo,Daniel Pa