Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.
Gumaganap siya sa nasabing pelikula bilang si Eve Malabanan.
"Si Eve po ay isang mabait at matapang na bata.Gagawin nya ang lahat para mapasaya ang kanyang tito na si Paps Miro (Mel Martinez)"kwento ni Athalia sa kanyang role sa D' Aswang Slayerz
"Ito pong movie ay isang horror-comedy, "
Anong natutunan niya sa kanyang karakter at sa pelikula?
Sagot niya,"I learned from my character that never trust anyone kahit mabait pa sila sayo because we never knew them in the first place.
"And what I’ve learned from the movie is to accept reality even tho it’s hard to accept, "
"Given a chance po kung sino po gusto ko maka-work na favorite ko pong artista ay ang kathNiel (Katryn Bernardo,Daniel Padilla) po, dahil napakagaling po nila at bata palang po ako iniidolo ko na po sila."
Saan mo gusto makilala,sa drama o
comedy?
"Sa drama po dahil para sakin po mas comfortable po ako mag-drama kesa sa comedy dahil hindi po ako marunong mag- patawa.Hahaha,"natatawang sagot ng magandang young actress
Dagdag niya, "Pero looking forward po ako na matuto dahil gusto ko pong maging kasing galing din ng mentor ko na si Paps Mel Martinez, "
Ano ang nakita mo sa showbiz? Bakit naisipan mong pasukin ito?
"Sa totoo lang po dancing and pagiging modelo po ang passion ko, pero ng dahil po kay Paps Mel Martinez sa mga naituro niya sa akin nagustuhan ko po ang pag- arte. Mas na challenge po ako."
Ngayong nag-aartista ka na,hindi ba magkakaroon ng conflict sa 'yong studies?
"Hindi po dahil my school supports me naman po and then time management lang po talaga."
Si Athalia at nag-aaral sa St.Rose of Lima Montessori School at siya ay Grade 10 at graduating na.
Sa D' Aswang Slayerz sy natutal ang akting ni Athalia. Mahusay siya sa movie,huh!
""Nag-under go po ako ng private workshop kay Paps Mel Martinez nu'ng February 2022 po.
"Siya po ang gumabay sa akin. Sobra po akong nagpapasalamat and forever grateful po ako na nakilala ko po siya. Mahal ko po siya, "sabi ni Athalia sa dahilan kung bakit may ibubuga siya sa pag-arte.