92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Mapapakinggan na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5. Ginanap sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng kanilang mga news, information, at entertainment programs.

May bagong logo na, may bagong tagline pa na “Dito tayo sa totoo!,” talagang handa nang maghatid ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ng fresh at dynamic na pakikinig para sa lahat ng kanilang listeners. Nakalagay sa kanilang logo ang salitang TRUE, kung saan ang bawat letra nito ay sumisimbolo sa kanilang mga prinsipyo sa pagbabalita at paglilingkod sa publiko. 

Ang T ay para sa Truth in journalism na hatid ng kanilang radio programs na "Bangon Bayan with Mon" ni Mon Gualvez, "Ted Failon & DJ Chacha," "Frontline Pilipinas," at ang flagship news program para sa local at provincial news na “Radyo5: Balita Pilipinas.” Ibinabahagi ng mga programang ito ang mga latest news at information upang masiguro na ang mga tagapakinig ay palaging updated sa mga mahahalagang isyu ngayon.

Ang R naman ay sumisimbolo sa “Real people” at “Real stories” na mapapakinggan sa mga programang tulad ng "Sana Lourd" ni Lourd De Veyra, “Power and Play” ni Noli Eala, "Pinoy Konek" ni Danton Remoto, at "Dr. Love" ni Bro. Jun Banaag. Ibinabahagi ng mga programang ito ang mga kwento ng tunay na buhay na may kaugnayan sa mga tagapakinig at nakakatulong upang maging aware sila sa mga isyu na mahalaga sa kanila.

Ang U ay sumisimbolo sa “Unwavering commitment” sa serbisyong publiko, na hatid ng mga programang tulad ng "Wanted sa Radyo" ni Sen. Raffy Tulfo, "Sagot Kita" ni Cheryl Cosim, at “Healing Galing” ni Dr. Edinell Calvario. Ang mga programang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagapakinig na maipahayag ang kanilang mga katanungan at hinaing upang matugunan ng mga program host at ng mga eksperto.

At ang huli, ang E ay sumisimbolo sa kanilang nakaka-Entertain na programa tulad ng "Cristy Ferminute" ni Cristy Fermin at "Good Vibes" nina Stanley Chi at Laila Chikadora. Ang mga programang ito ay nagbibigay ng pagkakataon na makapag-relax ang mga tagapakinig at makapag-unwind.

Ngayon na may bago itong identity, ipinapangako ng 92.3 Radyo5 True FM na maghahatid ng dekalidad na mga programa na nakaka-engage, nagbibigay impormasyon, at nagpapaligaya sa mga tagapakinig.

“We are excited to launch 92.3 Radyo5 TRUE FM and introduce our listeners to our diverse programming lineup,” pahayag ni Raul M. Dela Cruz, General Manager ng National Broadcasting Corporation (NBC). “We believe that radio remains a powerful medium that can inform, inspire, and entertain. With our new identity, we are committed to providing our audiences with a listening experience that is relevant, engaging, and entertaining.”

Ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ay mapapakinggan na on-air at live nationwide. Tumutok araw-araw upang marinig ang totoong tunog ng serbisyo-publiko at maging parte ng bagong yugto ng radyo sa Pilipinas.



Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

Concert ni Laverne sa February 25 na! Siguradong mag-i-enjoy ang mga manonood

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.