Concert ni Laverne sa February 25 na! Siguradong mag-i-enjoy ang mga manonood

Balik music scene ang mahusay na singer na si Laverne. Handa na siyang balikan ang first love niyang gawin,ang singing.
Ang kanyang manager na si Elizabeth Carrasco Fabillaran at mga kaibigang sina Fernand de Guzman, Jonas Virtudazo, Suzette Recto at Joey Austria ang nagkumbinsi sa kanya na balikan ang kanyang singing career.
Sa February 25 ay magkakaroon siya ng concert sa Teatrino Greenhills at 8pm simply titled Laverne.
Special guests niya sa kanyang concert ang dalawang magagaling na singer na sina Marissa Sanchez at Dingdong Avanzado.

Si Marissa ay kilala ring komedyana kaya siguradong hahaluan niya ng komedya ang performance niya na siguradong ikai-enjoy ng audience.
Ipinaliwanag ni Laverne kung bakit sina Marissa at Dingdong ang napili niyang guest.
"Si Marissa kasi nagkasama na kami sa Sulu hotel wayback 90s.Magaling talaga siyang kumanta bukod pa sa pagpapatawa.
"Si Dingdong naman bukod sa family friend, ay client siya ng kapatid ko na fashion designer na si Lloyd Arceo, "
Ano ang aasahan ng mga manonood sa kanyang concert?
"Marami silang aasahan. Siyempre marami kaming surprise na gagawin. Siguradong magugustuhan nila. 
"Kakantahin ko rin 'yung isang kanta ni Kuh Ledesma. Secret kung ano yun, "
Ang Laverne concert ay handog ng EV at Sure Productions and Talent Management. Isa itong benefit show para sa Holy Trinity Home for Children.
Ang concert ay produced ni Mommy Elizabeth at co-producers sina Suzette at Reinhard Mendoza sa direksyon ni Vivian Poblete Blancaflor

Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.