Jiro Custodio at Sam Coloso may chemistry sa Pera, Kwarta, Salapi

Napanood namin ang musical film na Pera, Kwarta, Salapi sa advance screening nito,na ang dalawa sa mga bida ay sina Bidaman Jiro Custodio at Grand Winner Secy Babe Sam Coloso. 
Sila ang magkapareha rito. 
Ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa sa pelikula, at bagay sila,huh! May chemistry sila. 
After ng screening, nagkaroon ng media conference. Ikiwento nina Jiro at Sam kung paano sila naging close na nagsimula nang magkakilala at gawin nila ang  Pera, Kwarta, Salapi.
Sabi ni Jiro,"Na-meet ko si Sam, dun sa workshop actually, at dun ko rin first time na-meet yung the rest of the cast. 
"With the help of our director, sa work shop po na ginawa niya sa amin, dun kami naging confident at palagay sa isa't-isa.
"May ginawa po  kami na sensuality workshop, na wholesome naman po.  Pero may touching-touching sa body. Ayun, sharing ng mga kwento in life. Naging comfortable na po kami sa isa't-isa,"aniya pa
Sabi naman ni Sam,"This is my first movie. And I'm such an awkward person. So, hindi po ako malapit (sa mga tao),ganoon. And also not touchy. And Jiro did his part po, kasi siya po talaga yung  nag-push na makipag- close sa akin.And that kind of effort made me comfortble with him. 
"And  talaga pong naka-help yung sensuality workshop namin. Ayun, hindi na po kami nagkakailangan sa mga scenes namin, like  yung mga titigan. We really growing close po as friends. And lagi po kaming nagkakamustahan. So ayun, may nabuo pong friendship because of that film,"
Ang Pera, Kwarta, Salapi ay produced ni ASIA PACIFIC LUMINARE awardee Rusty Mallillin.  Tinanong namin siya kung tungkol saan ang pelikula. Ang sabi niya,"Ito ay tungkol sa buhay at struggles ng OFW (Overseas Contract Workers). Tungkol ito sa pera, na kailangang gamitin mo ito wisely dahil pinaghirapan mo ito. Ipinakikita rin sa pelikula 'yung Filipino values, true friendship, at yung forgiveness sa taong nagkasala sa 'yo,"
Ayon pa kay Sir Rusty, ang pelikula ay inspired sa musical hit na Mamma Mia, na sikat na kanta noon ng ABBA.
Ang Pera, Kwarta, Salapi ay mula sa direksyon ni Carlo Alvarez. 

Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

Concert ni Laverne sa February 25 na! Siguradong mag-i-enjoy ang mga manonood

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.