Arci Munoz binigyan ng title ni Direk Njel de Mesa bilang Muse of Philippine Cinema.
Ang nagbigay sa kanya ng titulo ay ang mahusay na direktor, at magaling na singer na si Direk Njel de Mesa
Tinanong namin si Direk Njel kung bakit nga ba ito ang bansag niya sa aktres.
Sagot niya,"Kadalasan kasi, si Arci ang nagiging peg naming mga direktor sa aming mga proyekto. Lalo na kapag kailangan ng isang romantic lead na mayroong comedic timing,"
Patuloy niya,"Madalas din, nagsusulat din ang mga manunulat ng piyesa na siya ang nasasa-isip,”
Ang mga pinagbidahang pelikula raw kasi ni Arci ay laging pumapatok sa takilya o di kaya'y nagkakaroon ng positive reviews, na isa rin ito sa dahilan kaya binansagan nila itong Muse of Philippine Cinema.
May natapos gawing pelikula si Arci sa NDM Studios. Ito ay ang Kabit Killer, na isang dark comedy film.
Ito ay tungkol sa isang hired woman assassin na binabayaran ng mga legal wives para patumbahin ang mga kabit ng kanilang mister.
Nag-shooting pa ang pelikula sa mga iconic locations sa Cambodia, Malaysia, at Indonesia na ideya rin ni Arci.
“Nag-align ang vision namin ni Arci, dahil pareho kami in our direction that we want to go more global but still being relatable to our local fanbase,” dagdag ni Direk Njel.
Ang mga bagong proyekto at pelikula ni Arci at Direk Njel, pati na rin ang travel and food lifestyle series na Arci’s Mundo ay iaalok nila sa mga streaming platforms gaya ng Netflix, Amazon Prime, at iba pa.