Sa media conference ng pelikulang Martyr or Murderer mula sa Viva Films at sa direksyon ni Darryl Yap, ikinwento ni Cesar Montano ang preparasyon niya sa role niya bilang si former president Ferdinand E. Marcos Sr. sa nasabing pelikula.
Sabi niya, “Pareho pa rin (sa Maid In Malacanang), aside from 'yung preparation no. And, itong script ni Direk Darryl eh patindi ng patindi, so tinitignan ko lang binabasa ko lang ng maigi kung saan ako hindi madadawit at baka makulong ako dito.
"Kasi ako dapat ang dadalaw eh. Pero ako, I enjoyed the script. I enjoyed the story. Kasi ang dami kong natitisod na bagong mga...nadi-disclose na mga nangyari noon. Ito pala.”
Ikinwento rin ni Cesar ang personal experience niya during Marcos presidency.
“Kasi, I was there. In 1986 I was in college. So hindi ko alam na ganon pala ‘yung mga nangyayari. So ako personally, as an actor, nag-enjoy ako, but the challenge sa akin is, ‘Ah sandali, Marcos– isipin mo Marcos, during that time, lahat ng estudyante, halos lahat, ayaw kay Marcos.’ Lahat sumasali ng LFS (League of Filipino Students), kasama na ako doon, eh ngayon, I’m playing Marcos.
Nang gampanan ni Cesar ang role ni dating presidente Marcos Sr., nag-iba ang pananaw niya tungkol sa history.
“Eh sabi ko, nag-iiba ‘yung–alam mo ‘yun, the world is turning around, sa buhay mo, sa pag-iisip, sa aking knowledge.
"So sa akin more of like..sinusulat ulit ‘yung history sa ating buhay, sa ating..dahil ako pa si Marcos, ‘yun ang sa challege sa akin.”
Nagpasalamat si Cesar sa social media dahil nakatulong ito para i-research ang kanyang role.
“I’m so grateful, so thankful that naging available lahat sa social media ang lahat ng content about the role I played, about the former President.
"Uulitin ko po, I’m humbled to play this role, as an actor, isang malaking opportunidad po sa akin na gampanan ang role ang character po ng ating former President Ferdinand Edralin Marcos Sr.”
Ang Martyr or Murderer ay showing na sa March 1,2023.