Mapapanood na mamayang gabi sa GMA Telebabad at 8:50,
ang figure skating drama series na pinagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega,na Hearts On Ice.
Ito ang ikalawang serye ni Xian sa Kapuso network.
Sa Hearts On Ice, gaganap si Xian bilang si Enzo, na isang cold-hearted at may pagka-arogante.
Bago sumalang sa nasabing serye ay nag-training muna ng figure skating ang gwapong aktor at may coach pa nga siya sa Hearts On Ice.
“Kaya sabi ko, ‘Sige, mag-training tayo.’ So, we’re really preparing for the time that I get to a certain level na. I did post in Instagram our journey in ice skating. May mga levels po kasi ‘yan. There’s five basic levels,"sabi ni Xian
Patuloy niya,"So finally, noong nakuha ko na ang certificate, puwede na kaming magsama ni Ashley sa ice.
“Because mahirap naman po na isasabak na kami agad at masagasaan namin ang isa’t-isa,” katuwiran pa ni Xian.
Hindi lang ang paggawa ng serye ang gustong gawin ni Xian sa GMA 7. Gusto niya ring makapagdirek dito. Kaya naman naglakas-loob siya na nagprisinta sa Kapuso network na makapagdirek ng drama series.
"Piniprisinta ko talaga yung sarili ko kasi wala naman hong gagawa nu'n kundi ako.
"I think… 'yun pong isa sa mga natutunan ko na, wala namang ibang magbubuhat ng bangko kundi ang sarili mo.
"I really do tell them that I say my intention, na gusto ninyo po want to try me as a director, then I would gladly, with all my heart do it," napapangiting sabi pa ni Xian.
Bukod sa Hearts on Ice, ipinarating na rin ng GMA management kay Xian na puwede na niyang ipagpatuloy ang Love. Die. Repeat, na pagtatambalan naman nila ni Jennylyn Mercado.
Noong September 2021, naudlot ang taping ng Love. Die. Repeat dahil nabuntis si Jennylyn.
"They asked kung kailan daw ito matatapos ang Hearts on Ice, kasi ready na raw si Jen mag-shoot.
"That’s very exciting. I think parang right after this, we’re jumping to Love. Die. Repeat.”
Sana ay matupad ang pangarap ni Xian na makapag-direk ng serye sa GMA 7. Hindi na rin naman siya bagito sa pagdidirek dahil nakapag-direk na siya ng pelikula.
Samantala, may podcast si Xian na mapapanood tuwing Lunes, 6pm sa Spotify at Apple Podcast titled Experience Life With Xian Lim.