I Am Toni concert ni Toni Gonzaga, tagimpay! Hindi siya pinabayaan ng kanyang mga tagahanga at mga nagmamahal sa kanya

Napanood namin ang concert ni Toni Gonzaga billed as I Am Toni na ginanap sa Araneta Coliseum noong January 20,Friday. Ang concert ay para sa selebrasyon  ng kanyang ika-20th anniversary sa showbiz, at kasabay na rin ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
In fairness, nag-enjoy kami sa concert ng singer-actress-TV host. Nagustuhan namin ang kanyang performances at reportoire, na kasama rito ang kanyang sikat na single noon na Catch Me I'm Falling.
Naging special guest ni Toni sa kanyang concert ang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga. At kwela ang kanilang production number, huh! Siyempre, komedyana kasi si Alex kaya hinaluan niya ng comedy ang performance niya.
Isa rin si Andrew E sa naging speciaal guest ni Toni. Kinanta nito ang hit single niya noon na Humanap Ka ng Pangit at Banyo Queen.
Ang Concert King na si Martin Nieverra ay naging special giuest din ni Toni. 
Bago lumabas sa stage si Martin, ay pinuntahan muna ni Toni ang kanyang Daddy Bonoy sa audience.
Sinabi ni Toni na sa kanyang butihing ama  siya nagmana ng magandang boses. At paborito nito si Martin. 
Pinakanta ni Toni si Daddy Bonoy ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin, na sikat na kanta noon ni Martin. Habang kumakanta si Daddy Bonoy,  doon na lumabas si Martin at sinbayan niya ang pagkanta nito.
Sa totoo, jampacked ang concert ni Toni.  Witness talaga kami kung gaano karami ang nanood ng kanyang concert. Hindi siya pinabayaan ng kanyang mga tagahanga at mga nagmamahal sa kanya.
Siyempre present sa concert ni Toni ang kanyang mommy Pinty, na tumatayo ring kanyang  manager. 
Pinasalamatan ni Toni ng bonggang-bongga ang kanyang verry suppotive mom. 
Nag-resign kasi si mommy Pinty sa kanyang trabaho kahit mataas ang kanyang katungkulan para lang i-manage ang career  ni Toni. 
Himdi rin nawala  sa concert ni Toni ang kanyang mister na si Direk Paul Soriano at kanilang nak na si  Seve. 
To Toni, congratulation sa success ng iyong concert! 

Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.