Successful ang Christmas concert ni Nick Vera Perez; lahat nag-enjoy at umuwing masaya dahil sa kanyang regalo
Nag-enjoy kami sa concert ng mahusay na singer na si Nick Vera Perez billed as 1 Night Only Christmas dinner show...Nick Vera Perez finally...LIVE! na ginanap sa Rembrandt hotel noong mismong araw ng Pasko, December 25. Magaganda kasi ang kanyang reportoire including Nothings Gonna Change My Love For You, na sikat na kanta ni George Benson noong 80's, Bakit Nga Ba Mahal Kita na pinasikat noong 90's ni Roselle Nava, Laging Ikaw, ang carrier single ng 2nd album niya titled NVP1.0 NVP 1's More, I'll Be Home For Chrismas, Oh Holy Night, My Reason Is You, I Got Your Love This Christmas, Ikaw Lang Ang Mahal,Jingle Bell Rock at Regalo, mula naman sa Christmas album niya na Regalo:Our Christmas.
Naging special guest ni Sir Nick sa kanyang concert ang nakababatang kapatid na si Michael Philips, na gaya niya ay may maganda ring tinig.
Ilan pa sa naging specia guests ni Sir Nick ay sina Erika Mae Salas, Hannah Shayne, Lumina Klum, JC Palanas, David Briones at ang official NVP1World Dancers.
Present sa concert ni Sir Nick ang pinakamamahal niyang ina na si Mommy Vi. Bithday nito kaya sinurpresa siya ni Sir Nick. Pinapunta niya ito sa stage para bigyan ng cake at kantahan ng birthday song, kasama ang audience.
Nakakaiyak yung part na yun at nang magpasalamat si mommy Vi sa kanyang anak sa love and support na ipinapakita nito sa kanya lalo na ngayong may sakit siya.
Ginive up ni Sir Nick ang kanyang profession bilang Head Nurse para personal na maalagaan si mommy Vi. Grabe talaga ang pagmamahal ni Sir Nick sa kanyang ina. Masuwerte si mommy Vi na nagkaroon siya ng anak na tulad ni Sir Nick.
Kakaiba ang concert na ito ni Sir Nick dahil hindi lang basta concert ang naganap, kundi nagkaroon pa ng raffle para sa lahat ng audience. At ang inyong lingkod ang napanalunan ay isang Casio watch. O di ba, bongga ako?
'Yung mga hindi pinalad na mabunot sa raffle, ay parang nabunot at nanalo na rin. Binigyan kasi sila ni Sir Nick ng regalo para lahat ay umuwing masaya. Kakaiba talaga si Sir Nick. Ginawa niya talagang merry ang Pasko ng lahat ng nanood ng kanyang concert. Lahat ay pinasaya niya.
At sa major prize, sumalang muna sa challenges/games ang siyang magkakaroon ng chance para makabunot ng major prize na 10,000,00.
Habang kumakanta si Sir Nick ay nilalapitan niya ang audience at pakakantahin din. Dapat ay alam nito ang kinakanta niya para makasama sa major prize. Sinwerte naman na ang inyong lingkod ay isa sa nakapasok sa may chance na bumunot ng major prize. Ang galing ko kasi nung pinakanta sa akin ang Please Naman. Hahahaha.
Kaming limang napili ay sumalang din muna ulit sa challenges. Ito ay ang paramihan ng bola ng pingpong na maisu-shoot sa isang maliit na timba.
Habang kinakanta ni Sir Nick ang Jingle Bell Rock, dun na kami naglaban-laban. Sinwerte na naman ulit, na ang inyong lingkod ang may pinakamaraming nai-shoot na bola. Kaya ako ang siyang nagkaroon ng chance na pumili sa tatlong sobre na may nakasulat na 10,000.00. And lucky enough,ang napili ko ay 'yung sobre na may nakasulat na Congratulations! You won 10,000.00.
Ang saya-saya ko talaga that night dahil bukod nga sa nag-enjoy ako sa Christmas concert ni Sir Nick ay wagi pa ako ng 10K.
Thank you very much Sir Nick and congratulations sa maganda at successful mong Christmas concert.