Mygz Molino Pararangalan sa Asia's Royalty Awards
Bongga si Mygz Molino,huh! Kasisimula pa lang ng taon, heto't tatanggap na agad siya ng award mula sa Asia's Royalty Awards. Ito ay ang Asia's Royal Award for Most Coveted and Empowered Charity Vlogger and Ispiring influencer of the Year. Ang awards night ay gaganapin sa Okada Manila sa January 30.
Bukod pa rito, ang kanta niyang Happy Lang ay napasama sa The Karepublican Top 100 Songs of the Year ng 92.3 Radio Calatagan Batangas.
Samantala, noong December 10 ay ipinagdiwang ni Mygz ang kanyang kaarawan. Instead na magkaroon ng malaking party, mas pinili niya at ng kanyang manager na si Tatay Jeth Carey na magkaroon na lang siya ng Meet and Greet para sa kanyang mga tagahanga, na ginawa sa San Juan Arena. Ito ay bilang pasasalamat niya sa mga ito na patuloy na sumusuporta sa kanya mula ng mag-simula siya sa showbiz at hanggang ngayon.
Grabe ang dami ng iba't-ibang fan club ni Mygz na dumalo sa kanyang Meet and Greet, na yung iba ay nanggaling pa sa malalayong probinsiya, at yung iba naman ay mula pa sa ibang bansa, na umuwi lang ng araw na yun para kay Mygz. Ganoon nila kamahal ang binata.
Naging special guests ni Mygz sa kanyang Meet and Greet ang tatlo sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Kiray Celis, John Vic de Guzman at Jason Francisco, na nakatrabaho niya noon sa defunct series ng GMA 7 na Owe My Love.
Sa opening number ni Mygs ay sumayaw siya with back-up dancers. Grabe ang hiyawan at palakpakan ng kanyang mga tagahanga sa kanyang performance.