Skip to main content

Jamsap Entertainment Corporation,ipinakilala na sa press ang kanilang talents; producer ng 35th PMPC Star Awards For TV

Noong December 20, ipinakilala sa entertainment press ng Jamsap Entertainment Corporation ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina ang mahigit 60 na young, fresh faced talents nila mula sa apat nitong division: ang Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp at Jams Artist Production.
Ang Jams Artist Talent Center ay nagsisilbing training ground ng mga talent na nangangarap maging artista, modelo, singer o dancer na may edad na 4 hanggang 45 taong gulang. Sumasailalim din sila sa masusing workshop sa acting, dancing at modelling na pinamumunuan ni Jessica Mendoza.
Ang Jams Top Model Philippines naman ay isang event producer na layuning makapag-produce ng top models sa bansa. Nagdaraos din sila ng taunang ramp model competition na sinasalihan ng libo-libong participants sa buong bansa.May tatlong kategorya ito: Category 1 (aged 6-11 years old), Category 2 (aged 12 to 17 years old) at Category 4 (aged 18 to 25 years old). Pinangangasiwaan ito ni Josie Deog.
Ang Jams Basketball Training Camp naman ay isang training center na layuning linangin ang potensyal ng future basketball superstars. Nagho-host din ito ng mga torneo at paliga sa iba’t ibang munisipalidad at siyudad sa buong bansa with Patrick Alvarez as head.
Ang Jams Artist Production na pinangangasiwaan ni Maricar Moina ay isang talent at event production company na kinabibilangan ng iba’t ibang artists at models sa fashion at movie industry.
Nagsisilbi rin itong talent at casting agency na nagsu-supply ng talents sa iba’t ibang media platforms at networks.
Ang mga eklusibong talents nito ay nanggaling sa Jams Top Model Philippines at Jams Artist Talent Center.
Magiging bahagi rin sila ng mga pelikula, serye at digital ads na iproprodyus ng kumpanya para sa 2023.
Ang Jamsap Entertainment Corporation ang producer ngayong tao ito ng 35th PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa January 28,2023 sa Winford Hotel. 
"We’re excited sa Star Awards. This is the beginning of our new venture,” sabi ni Jojo.



Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.