Latest single nina Mayor & Co na 'Haranahin' out na sa digital platform

Sa launching ng kanilang latest single titled Haranahin, na napapakinggan na, at pwede ng i-download sa lahat ng digital platform, ikinwento nina Mayor, na ang real name ay Omar Punzalan at Coco Cordero, kung paano nabuo ang banda nilang Mayor & Co.
Sabi ni Co,"Nagkasama po kami ni Mayor sa Barangay Pie. isa po itong talent show sa Pie channel. Pareho po kaming host doon. Doon po kami nagkakilala. Tapos si Mayor po, tinanong niya ako kung gusto kong magtayo ng banda. Siya na lang po ang magkukwento kung bakit niya ako natanong.
"Pero ako po kasi, game naman po ako kasi iisa kami ng tunog ni Mayor. Similar po 'yung style namin (sa pagkanta).Tapos magaling din po talaga siyang magsulat. 'Yun po,"
Sabi naman ni Mayor,"Niyaya ko nga po si Coco. Sabi ko sa kanya marami akong kanta at naniniwala akong magaganda 'yung mga kantang ginawa ko. 
"Kaso, hindi ako pinalad  magkaroon ng magandang boses. So nung malaman ko na magaling siyang kumanta, sabi ko, 'ang galing mong kumanta' Ayun niyaya ko po siya na siya na lang ang kumanta ng mga kantang sinulat ko, gaya nga nitong Haranahin.
"Nung sinulat ko nga po 'yung Haranahin, boses na agad ni Coco 'yung na-imagine ko na siyang bagay kumanta."paliwanag pa ni Mayor
Para sa hindi nakakaalam, ang haranahin ay mula sa root word na harana. Ang harana ay ginagawa noong araw ng isang manliligaw. Pupunta siya sa bahay ng kanyang nililigawan at kakantahan niya ito habang tumutugtog ng gitara.
Ang harana ay hindi na familiar sa millennial. Hindi na kasi uso ang harana, wala ng gumagawa nito sa mga nanliligaw.

May paliwanag si Mayor kung bakit tungkol sa harana ang kantang sinulat niya.
"Siguro meron akong kagustuhan na maging aware 'yung mga kids sa panahon ngayon na merong nag-i-exist na harana sa kultura ng mga Pilipino. 
"Siguro sa pamamagitan ng aking awitin, malalaman o maaalala nila na may harana. Pwede silang mag-search kung ano ba 'yung harana."sabi ni Mayor
SInce 'Haranahin' ang title ng kanilang  kanta, tinanong namin si Coco, given a chance, sinong artista ang gusto niyang humarana sa kanya, ang sagot niya,"Si Jericho Rosales, kasi matagal ko na siyang crush,"
Sa tanong namin kay Mayor kung sino naman ang artistang gusto niyang haranahin, given a chance rin, ang sagot niya, "Siguro po, si Ma'm Charo Santos. Kasi maganda po si Mam Charo,"


Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.