REY PAOLO ORTIZ WAGI BILANG PRINCE TOURISM AMBASSADOR UNIVERSE 2022

Dahil gwapo,mahusay rumampa,nagpakitang-gilas sa talent portion sa pamamagitan ng pagkanta,at nasagot with flying colors ang katanungang ibinigay sa kanya,kaya naman si Rey Paolo Ortiz ang tinanghal na Prince Tourism Ambassador  Universe 2022.
Ang CEO/founder ng Aspire Magazine na si Ayen Cas ang mentor ni Rey Paolo. 
Sa tanong kung paano niya idi-describe ang experience niya sa  pagsali niya sa pageant,ang sabi ni Rey Paolo,"It was more of exciting.  It was well coordinated. There were a lots of contestants  I didn't feel very nervous  Over all, it was very fun,"
Ano yung pinakamahirap na na-experience niya during the pageant?
"Mainly it was the stage presence po talaga,kasi first time kong nag-join ng pageant,"
Since siya ang tinanghal na Prince Tourism Ambassador Universe 2022,kung pupunta sa Pinas ang mga nakalaban niya,saang magagandang tourist spots niya ipapasyal ang mga ito?
"Sa 8 Wonders of the world po,sa Banawe Rice Terraces.Ipapasyal ko rin po sila sa Boracay at Palawan,"
Pangarap ni Paolo na pasukin ang pag-aartista.Sa tingin niya magiging dahilan ang pagkakaoon niya ng title para ma-penetrate niya ang showbusiness?
"Maybe! Nobody knows the future,"sagot niya
Sa action gustong makilala ni Paolo. 
Ano ang advice na ibinibigay ng parents niya sa kagustuhan niyang mag-artista?
"Don't be nervous. Always smile.Give your best"
Kung mabibigyan ng chance sa showbiz,pangarap na makatrabaho ni Paolo ang paborito niyang aktor na si Daniel Padilla.
"He"s really good in acting Tama yung emosyon na ipinapakita niya,"



Popular posts from this blog

Athalia Badere,pinarangalan bilang Outstanding Performing Artist; showing na sa March 22 ang D' Aswang Slayers

92.3 Radyo5 TRUE FM hatid ang bagong era ng pagbabalita at pagpapalaganap ng serbisyo publiko

Athalia Badere may ibubuga sa pag-arte,gusto makatrabaho sina Kathryn at Daniel.