KATIPS,HUMAKOT NG NOMINASYON SA 38TH PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES-VINCE TANADA TATLONG NOMINASYON ANG NAKUHA
Sa pamumuno ng Philippine Movie Press Club (PMPC) President na si Fernan de Guzman, kasama ang 2022 officers at board of directors, inihayag na ng nasabing samahan ang mga nominado para sa kanilang 38th PMPC Star Awards For Movies.
Ang pelikulang "Katips" mula sa PhilStagers Film, ay nominado bilang Indie Movie of the Year.
Maganda ang pegkakagawa ng pelikula, may katuturan, at talaga namang na-educate ang lahat ng nakapanood nito tungkol sa nangyari noong panahon ng Martial Law, kaya na-nominate ito sa nasabing kategorya.
Ang pangunahing bida sa "Katips" na si Vince Tanada, na siya ring sumulat at nagdirek nito, ay nominado biang Movie Actor of the Year.
In fairness, ang husay ni Vince sa pelikula, lalo na roon sa breakdown scene niya, na naging dahilan para nga mapansin siya ng bumubuo ng PMPC at na-nominate siya for Movie Actor of the Year.
Bukod pa sa Movie Actor of the Year, nominado rin si Vince bilang Indie Movie Screenwriter of the Year, dahil nga sa ganda ng pagkakasulat niya ng "Katips".
At hindi lang yan ha, nominado rin si Vince bilang Indie Movie of the Year dahil sa mahusay na pagkakadirek niya ng pinag-, uusapang pelikula dahil nga sa ganda nito.
O di ba, tatlong nominasyon ang nakuha ni Vince sa 38th PMPC Star Awards For Movies?
Ang isa pa sa cast ng "Katips" na si Johnrey Rivas, ay nominado naman bilang Movie Supporting Actor of the Year.
Gaya ni Vince, ay mahusay din sa pelikula si Johnrey, lalo na sa torture scene niya, kaya naman pasok siya bilang nominado para sa Movie Supporting Actor of the Year.
Ang singer-actress na si Nicole Laurel Asensio, ay nominado naman bilang New Movie Actress of the Year.
In fairness, baguhan man sa pag-arte, ay nagpakita ng husay si Nicole sa "Katips" kaya napansin din siya ng bumubuo ng PMPC.
Dahil mahuhusay ang buong cast ng "Katips" kaya nominado ito bilang Indie Movie Ensemble Acting of the Year.
Ang ilan pa sa nominasyon na nakuha ng "Katips" ay ang Movie Cinematographer of the Year (Manuel Abanto), Indie Movie Editor of the Year (Mark Jason Sugcang), Indie Movie Production Designer of the Year (Roland Rubenecia), Indie Movie Musical Scorer of the Year (Pipo Cifra),Indie Movie Sound of The Year (Dondon Mendoza),Indie Movie Themesong of the Year: “Sa Gitna Ng Gulo” performed by Jerome Ponce, Nicole Laurel Asensio, Vince Tañada, Adelle Ibarrientos, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, and Carla Lim; lyrics by Vince Tañada, composed by Pipo Cifra.
O di ba, bongga ang Katips dahil humakot ito ng nominasyon sa 38th PMPC Star Awards For Movies?