Harvey Almoneda tinanghal na Ginoong Angono 2022
Ang young actor na si Harvey Almoneda at Trishia Espena ang tinanghal bilang bagong Ginoo at Binibining Angono 2022 'Higantes Festival King and Queen'
Bukod sa titulo, nakakuha rin ng special. awards si Harvey mula sa sponsors.
Gwapo ang bagets, at ang husay ng pagkakasagot niya sa katanungang ibinigay sa kanya, na naging dahilan kaya siya ang tinanghal na Ginoong Angono 2022.
Siyempre pa, sa pagkapanalo niya ay sobrang proud sa kanya ang kanyang lola Lulu. Congratulations Harvey!
Samantala, may natapos gawing romantic comedy-film si Harvey. Ito ay ang 'Home I Found In You' Nag-audition siya para sa kanyang role bilang si Aldrin, at sinwerte na napili siya.
Kasama niya sa pelikula si Jhassy Busran na gumaganap bilang si Celine na best friend niya. May feelings siya rito, pero hindi niya sinasabi.
Pero kung sa totoong buhay ay may magugustuhang babae si Harvey ay sasabihin naman niya rito.
Sa December ipapalabas ang Home I Found In You na mula sa direksyon ni Gabby Ramos.
Gustong makilala ni Harvey bilang dramatic actor gaya ng paborito niyang si Joshua Garcia.
Nung napanood niya si Joshua sa defunct series ng ABS-CBN na The Good Son, dun niya ito unang hinangaan dahil sa husay na ipinamalas nito sa pag-arte sa nasabing serye. At lalo niyang hinangaan si Joshua nung mapanood niya ito sa pelikulang 'Love You to the Stars and Back' katambal ang dating ka-loveteam at girlfriend na si Julia Barretto.