BAGONG BUSINESS NI PAPA DUDUT NA THE BREWED BUDDIES AT THE WINGS HAVEN OPEN NA SA PUBLIC
Ang sikat at most awarded DJ ng Barangay LS 97.1 Forever na si Renzmark Jairuz Ricafrente a.k.a Papa Dudut, ay isa ring businessman.
Ang dalawang business niya na Rangsiman Thai Massage at J25 Salon, ay nadagdagan ng dalawa pa. Ito ay ang The Brewed Buddies at The Wings Haven, na matatapuan sa 2nd level Skygarden, SM Cherry, Antipolo.
Noong Linggo, November 27, ginanap ang grand opening nito.
Ikinwento ni Papa Dudut kung bakit naisipan niyang magtayo ng The Brewed Buddies at The Wings Haven.
"Two months ago, kung hindi ako nagkakamali,may pumunta sa bahay ko, tapos pina-try nila 'yung product sa akin. So sabi ko kay Kim, at saka si Lei, kasi sila 'yung renponsible para ipakilala sa akin 'yung product.
"Sabi ko, 'ang sarap nito,bakit hindi natin i-offer sa tao? Kasi nagnenegosyo kami, naapektuhan kami ng pandem, gusto kong bumawi.
"So bakit hindi ko i-try na ipasubok sa tao 'yung ganitong klase ng quality product that provided by The Brewed Buddies and The Wings Haven.
"So, after 2 months, or less than 2 months, sa tulong nila, dahil napakadali po nilang ka-transaction, si Miss Jacky, si Kim, sila po ang nag-concept nitong The Brewed Buddies and The Wings Haven.
"Natulungan nila kami, walang kahasle-hasle. Ang bilis ng pagbuo nitong The Brewed Buddies at The Wings Haven dito sa Antipolo,"aniya pa
Maipagmamalaki ni Papa Dudut na affordable ang prices ng kanilang mga produkto sa The Brewed Buddies at The Wings Haven. Kumbaga, pang-masa ito, na kayang-kaya kahit ng mga estudyante.
Ang chicken wings sa The Wings Haven ay may 12 flavors. Ang mga ito ay ang soy garlic, hickory bbq,buffy buffalo, haven cheese, mushroom gravy,honey butter, garlic parmesan, spicy cheese, jack daniels, teriyaki,originala at haven inferno.
Natikman na namin ang mga ito and in fairness, sobrang sarap.
Aminado si Papa Dudut na medyo mahirap para sa kanya ang may maraming business na inaasikaso bukod pa nga sa pagiging DJ niya. Pero kayang-kaya naman daw niyang pagsabayin. Mahal naman daw kasi niya ang kanyang ginagawa.
Kahit busy sa kanyang mga business, katuwang ang kanyang magandang maybahay na si Miss Jem, ay hindi pa rin iiwan ni Papa Dudut ang pagdi-DJ.
17 years old siya kasi nang magsimula siyang maging isang DJ, kaya napamahal na sa kanya ang trabaho niyang ito.
Samantala, aminado si Papa Dudut na dahil sa pagiging sikat niyang DJ ay maraming babae ang nagpaparamdam sa kanya. Pero dedma lang siya sa mga ito. Loyal kasi siya kay Miss Jem.