Ara Mina, no way na sa kissing scene, jhassy Busran umaarangkada ang career
Hindi na pala basta-basta tumatanggap ng movie si Ara Mina.Mula nang magka-asawa at anak siya, ay naging mapili na siya aa pagtanggap ng role.
Sabi ni Ara,"Nu'ng nagkaroon na ako ng anak, picky na ako. Nung nagkaroon ako ng asawa, very picky na ako.
"Bawal sa akin ang kissing scene.
"Hindi naman dahil ayaw ng asawa ko or something. Ako na rin parang...siyempre, hindi siya sanay sa showbiz. Baka hindi niya naiintindihan 'yung trabaho ko. Kaya ako na rin 'yung hindi nag-a-accept (ng role na may kissing scene
"And ayoko rin yun makita ng anak ko na baka sabihin niya,"Mama you have a husband and then you're kissing somebody," So ie-explain ko pa. Tapos na tayo sa ganoong era,"paliwanag pa ni Ara.
*******
Pandemic Actress. Ito ang tawag sa young
actress na si Jhassy Busran. Sa kabila kasi ng pandemya,ay patuloy na umaarangkada ang kanyang career. Kabikabila ang interviews at guesting niya, at pagtanggap ng awards.
Kahapon nga,November 3, ay isa siya sa pinarangalan sa Gintong Kabataan Awards 2022 dahil sa ipinamalas niyang talento bilang batang aktres sa mga palabas at pagkamit niya ng iba't-ibang parangal na nagpakita ng husay at galing ng isang kabataang Bulakenyo na nagbigay inspirasyon sa mga kabataan ng lalawigan ng Bulacan.
Ang mga awards na natanggap ni Jhassy ay ang Best Performance Short Film 2021 International Manhattan New York,Best Child Actress, Ashoka Film Festival 2021 at Best Actress,Gully International Film Festival 2021,India.
Samantala,bukas,November 5, ay isa siya sa magpi-perform sa Cosmo Manila King & Queen na gaganapin sa SM Skydome, 8pm.
Busy rin sa paggawa ng pelikula si Jhassy. Natapos niya nang gawin ang pelikulang Home I Found You, katambal ang ka-loveteam niyang si John Sitjar. Silang dalawa ang bida rito. Mula ito sa direksyon ni Gabby Ramos. Mapapanood na ito sa mga sinehan next month.
At ngayong buwan,may nakatakda siyang gawing mga pelikula.
At ang pinabonggang nangyari sa career ni Jhassy ngayong taon, ay ang pagkuha sa kanya bilang ambassador/endorser ng Winkle Tea and Winkle Donut.
Happy si Jhassy sa magandang nangyayari sa kanyang career ngayon. At proud na proud sa kanya siyempre ang kanyang Mommy Mhae.
Sa FB account nga nito, ay nagpasalamat siya sa mga tumutulong at naniniwala sa talent ng kanyang maganda at talented na anak.