JHASSY BUSRAN NAMANA SA MGA MAGULANG ANG PAGIGING MAAWAIN AT MATULUNGIN

Nakakatuwa naman ang young actress na si Jhassy Busran,marunong siyang mag-share ng blessings,lalo na sa mga nangangailangan.
Monthly ay namimigay siya ng goods kasama na ang iniindorso niyang Winkle Donut sa mga batang mahihirap mula sa iba't-ibang lugar. 
Noong September ay sa Tanay Rizal siya namigay. Last month naman ay sa Quezon City. At ngayong buwan ay sa Bulacan ang kanyang destinasyon.
Ang pagiging matulungin at maawain ni Jhassy ay namana niya sa kanyang mga magulang na sina Daddy Jamil at Mommy Mhae 
Sa Facebook post nga niya ay sinabi niya na,"I grew up seeing my family helping those who are in need. They're the one who molded me who I am today.
Mama, Papa, thank you for letting me see the reality. I saw the kindness and pureness in your hearts which indeed inspired me," 
Samantala, bibida si Jhassy at ang kanyang ka-loveteam na si John Heindrick Sitjar kasama si Ernest Magtalas sa kauna-unahang Facebook series titled 'Roommate' Hatid ito ng Rems Production at sa direksyon ni Gabby Ramos. 
Mapapanood ito every Saturday simula sa December 10,sa Gabby Ramos page.
Don't forget to watch it!






Popular posts from this blog

Jiro Custodio at Sam Coloso may chemistry sa Pera, Kwarta, Salapi